^

Police Metro

5 sakay ng tricycle patay sa bangga

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang katao na pa­wang sakay ng tricycle ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng trahedya sa kalsada sa Laguna at Albay.

Sa Lumban, Laguna nasawi ang mga biktimang sina Francisco Lacbay, Glicerio Legazpi at Danny Anonuevo. Habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isa pang biktima na nakilala namang si Roberto Pandakila.

Sa ulat, sakay ang mga biktima ng tricycle dakong alas-6:10 ng gabi at binabaybay ang kahabaan ng national highway ng Brgy. Lewin, Lumban patungo sa Kalayaan.

Nag-ovartake umano ang kulay itim na  tricycle (DJN-631) na minamaneho ni Lacbay sa kulay dilaw na Mitsubishi Adventure (XBB-310) na minamaneho ni Jesus Nuyda, subalit nasalpok ito ng kasalubong na pampasaherong jeepney (DJB -651) na minamaneho naman ni Joselito Monreal.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nagtamo ng matinding sugat ang mga biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

Patay naman ang mag-asawang Rodel at Melina Orayon, residente ng Bulan, Sorsogon nang sumalpok ang kanilang sinasak­yang tricycle sa kasalubong na bus sa palikong bahagi ng Ma­harlika National Highway sa Purok 1, Brgy. Peñafrancia Daraga, Albay noong Linggo ng umaga.

Agad nadakip ang bus driver na si Joey Adra, ng Brgy. San Vicente, Castilla, Sorsogon.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga ay pauwi ang mag-asawa nang mawalan ng kontrol sa palikong bahagi ng highway dahilan para mabanga sila nang kasalubong na Don Don Bus Liner ni Adra.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nawasak ang tricycle at tumilapon sa kalsada ang mag-asawa na parehong agad nasawi.

vuukle comment

FRANCISCO LACBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with