^

Police Metro

SUV sumalpok sa puno: 4 tepok

Raymund ­Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi habang tatlo ang malubhang nasugatan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang SUV sa punong kahoy sa tabi ng kalsada sa Barangay Calayan, Gonzaga, Cagayan, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Nikolo Aquino 24, Nicole Keziah Nuega,  Jing Baquiran at anak nitong dalagita na si Victoria Louis Baquiran na mga residente sa lungsod.

Nasa kritikal na kondisyon sina Almond Baquiran, Joshua De Guzman at Shela Mapala.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang aksidente dakong alas-3:00 ng hapon ay pauwi na galing sa isang outing sa Sta. Ana ang mga biktima nang maantok si Aquino sa pagmamaneho ng Isuzu MU-X at sinalpok ang isang puno sa tabi ng kalsada.

Sa lakas nang salpok ay tumaob at nayupi na parang lata ng sardinas ang sasakyan kung kayat nahirapang hugutin ang mga biktima nang mga rescuer.

vuukle comment

CAR ACCDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with