^

Police Metro

Mga pinauwing OFWs sa Kuwait may job offer sa Japan

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Mga pinauwing OFWs sa Kuwait may job offer sa Japan
Kaya naman ay nagsasagawa na nang pagsasala ang tanggapan ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III bilang tugon sa paglapit umano ng naturang banyaga sa kanya para bigyan ng trabaho ang nasabing bilang ng mga OFW na pinauwi sa bansa.
File

MANILA, Philippines — Naghahanap ang isang Japanese businessman ng nasa 1,000 staff sa kanyang negosyo sa Japan at prayoridad ang mga napauwing overseas Filipino workers mula Kuwait.

Kaya naman ay nagsasagawa na nang pagsasala ang tanggapan ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III bilang tugon sa paglapit umano ng naturang banyaga sa kanya para bigyan ng trabaho ang nasabing bilang ng mga OFW na pinauwi sa bansa.

Nagustuhan umano ng employer ang kaalaman ng mga Pinoy workers sa general service kung kaya sa Mayo ay inaasahan na ring ipadala ang mga ito sa Japan.

Nauna nang ibinida ni Bello sa pagdinig ng House Committee on Oversease Workers Affairs na bukod sa nasabing job offer ay may 10-milyong trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino sa ilalim ng “Build, Build, Build” prog­ram ng admi­nistrasyon at naniniwala na wala ng manggagawang Pinoy ang kailangan pang umalis ng bansa para magtrabaho.

vuukle comment

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with