^

Police Metro

3 miyembro ng gun for hire todas sa shootout

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang  tatlong miyembro ng gun for hire gang nang makipagbarilan sa naganap na shootout kahapon ng madaling araw  sa Brgy. Koronadal Proper, Polomolok, South Cotabato.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Modia Adam; Saddam Macabangen; at Allan Ewah pawang mga aktibong miyembro ng gun for hire gang na nag-ooperate sa Polomolok at mga karatig bayan ng lalawigan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout  dakong alas-3:00 ng madaling araw ay nagsagawa nang enforcement ope­rations ang pulisya at Army’s 27th Infantry Battalion (IB) na kung saan ay nakorner ang mga suspek.

Sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga suspek na agad pinaputukan ang mga pulis na nagresulta sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Tumagal ng ilang mi­nuto ang palitan ng putok at isa-isang bumulagta ang mga suspek na dinala sa ospita, subalit pawang idineklarang dead on arrival.

Nasamsam sa crime scene ang tatlong cal. 45 pistol, isang rifle grenade at tatlong shotgun.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with