^

Police Metro

P11-M shabu sa buko, nasilat

Joy Cantos - Pang-masa
P11-M shabu sa buko, nasilat
Batay sa ulat ni Chief Inspector Prizel Arevalo, City Jail Warden ang ilegal na droga na itinago sa loob ng buko ay idineliber umano ng isang matanda at isang menor-de-edad para sa mga preso ng nasabing piitan noong linggo ng umaga.
File

MANILA, Philippines - Nabuko ng mga jailguard ang tangkang pagpasok ng shabu na itinago sa loob ng mga buko sa Dumaguete City Jail sa Negros Oriental.

Batay sa ulat ni Chief Inspector Prizel Arevalo, City Jail Warden ang ilegal na droga na itinago sa loob ng buko ay idineliber umano ng isang matanda at isang menor-de-edad para sa mga preso ng nasabing piitan noong linggo ng umaga.

Naghinala ang mga jailguard sa 30 pirasong buko na balak ipasok sa kulungan na para umano sa mga preso na nahaharap sa kasong may kinalaman sa pagtutulak ng droga.

May mga kasama ring fruit cocktail at gatas ang nasabing mga buko na idineliber sa mga inmates para gumawa umano ng buko salad ang mga ito sa loob ng kanilang piitan.

Itinaon pa ang pagdeliber ng mga buko habang may isinasagawang misa sa kulungan.

Nang suriin ng mga jailguards ang buko ay napansin ng mga ito na may hati ito sa gitna  na naka-tape kaya binuksan at dito na nadiskubre ang mga plastic sachets ng shabu na nakatago sa loob nito.

Umaabot sa P11 mil­yon ang halaga ng shabu na nakuha sa 30 pirasong buko at inaalam  kung sino ang supplier ng droga ng mga inmates na nahaharap sa kasong droga.

vuukle comment

PRIZEL AREVALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with