^

Police Metro

Taumbayan maging alerto-Malacañang

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasunod ng twin bombing sa Quiapo, Maynila na ikinasawi ng dalawang katao at pagkasugat ng anim na iba pa ay hinikayat kahapon ng Palasyo ang taumbayan na maging alerto.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat maging mapagmasid din ang taumbayan kung saan ay dapat i-report sa pulisya ang anumang kahina-hinalang kilos sa kanilang komunidad.

“We are saddened by the loss of lives brought by yesterday’s night explosions in Quiapo. We likewise wish for the immediate recovery of those who were wounded,” dagdag pa ni Abella.

Wika pa ni Abella, iwasan din dapat ang pagpapakalat ng mga unverified report na baka lumikha ng takot at panic sa komunidad.

Magugunita na 2 katao at 4 na iba pa ang nasugatan sa unang pagsabog bandang alas-6:00 kamakalawa ng gabi sa Norzagaray St., Quiapo malapit sa Manila Golden Mosque.

Sumunod na explosion naman ay naganap bandang alas-8:00 kamakalawa ng gabi kung saan 2 pulis ang nasugatan habang nag-iimbestiga sa site.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pagsabog sa Quiapo habang hawak na ang suspek.

Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, ang pagsabog ay dahil sa clan war at walang kinalaman sa terorismo.

Magugunita na dalawang linggo na ang nakakaraan ay may naganap din na pagsabog sa Quiapo kung saan ay 14 katao naman ang nasugatan.

 

vuukle comment

ERNESTO ABELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with