^

Police Metro

13 nene nasagip sa cybersex den

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nasagip ng mga o­peratiba ng National Bureau of Investigation-Anti Human Trafficking Division (NBI – AHTRAD)  ang 13 batang babae sa sindikato ng sexually-related services sa online sa isinagawang entrapment operation na kung saan ay naaresto ang magkapatid na operator sa Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa.

Ang magkapatid na suspek na isinailalim na rin sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) sa mga reklamong paglabag sa Republic Act 7619  (Trafficking in Persons Act) at R.A. 10175 (Child Pornography Act) na kinilalang sina Elvie Aringo Y Tijones at Arlene Aringo Y Tijones.

Ang pag-aresto ay batay sa pormal na reklamong idinulog sa NBI-AHTRAD ng U.S. Homeland Security Investigations, Immigration and Customs Enforcement (USHSI-ICE) hinggil sa isang indibidwal sa Dasmarinas, Cavite na nag-aalok sa online ng mga batang babaeng Pinay sa sexually – rela­ted shows na ang bayaran ay sa pamamagitan ng money remittance.

Ikinasa ang entrapment kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) Region 4-A at koordinasyon sa Philippine National Police  at nadakip  ang dalawang suspek at naisalba ang 13 nene. Umamin ang lima na sila ay hindi lamang sa online pinagagawa ng kalaswaan, kundi nagbibigay din ng serbisyo sa mga kumukuhang kliyente sa kanila.   

vuukle comment

CYBERSEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with