^

Police Metro

10 Abu Sayyaf kidnappers utas sa sagupaan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa sampung miyembro ng ekstremistang mga kidnappers na Abu Sayyaf Group (ASG)  ang napatay kabilang ang dalawang kamag-anak ng kanilang Commander na si Radulan Sahiron habang 18 namang sundalo ang nasugatan sa pinaigting na opensiba  laban sa mga bandido sa Patikul, Sulu kamakalawa.

Ayon kay Joint Task Force (JTF) Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana,  ang pinalakas na opensiba ay alinsunod sa maigting na direktiba ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na durugin ang puwersa ng mga bandido at iligtas ang nalalabi pang 31  mga hostages.

Ito’y matapos ang pamumugot ng ulo sa hostage na Aleman na si Juergen Gustav Kantner, 70 anyos noong Pebrero 26 ng taong ito matapos namang mabigong magbayad ng P30 M ransom.

Bandang alas -9 ng umaga nang mag-umpisa ang bakbakan sa Brgy. Igasan, Patikul  sa pagitan ng AFP troopers at ng nasa 120 bandido sa pamumuno ng kanilang lider na si Sahiron.

Ang bakbakan ay tumagal ng mahigit dalawang oras na nagresulta sa pagkasawi ng sampu sa mga kalaban.

?“The government troops suffered 18 wounded who are now undergoing treatment at the Army Hospital”, pahayag ng opisyal. Karamihan sa mga ito ay nagtamo ng sugat sa tama ng shrapnels habang puspusan ang pagtugis ng JTF Sulu troopers laban sa mga bandido gamit ang strike helicopters ng Philippine Air Force, artilleries at armor assets.

 

vuukle comment

ASG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with