99 pulis na positibo sa droga, sinibak
MANILA, Philippines - Sinibak sa serbisyo ang 99 pulis matapos na magpositibo sa paggamit ng illegal na droga.
Kinumpirma kahapon ni PNP Internal Affairs Service (PNP-IAS) Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na ang mga nasibak na 99 pulis ay kabilang sa 198 PNP personnels na nagpositibo sa confirmatory drug testing at inaasahang tataas pa ang bilang habang patuloy ang mandatory drug test sa PNP.
Napirmahan na ni PNP Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang rekomendasyon na sibakin sa serbisyo ang 99 pulis na bumagsak sa confirmatory drug test.
Bukod sa 99 pulis na bumagsak sa confirmatory drug test ay 40 pa ang inirekomenda nila na masibak rin sa serbisyo dahilan sa positibo ang mga ito sa paggamit ng illegal na droga.
- Latest