^

Police Metro

2 alalay ng drug pusher, todas

Cristina Timbang at Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ng mga pulis ang dalawang alalay ng target ng kanilang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon, alas 9:45 ng gabi nang isagawa ng pulisya ang drug bust sa target na bahay sa Blk. 1, Lot 24, Mustard St., Camella North Springville Brgy. Molino 3,  ng nasabing lungsod.

Naaktuhan ng mga pulis na nagpo-pot session ang mga suspek at ilan pang kalalakihan sa bahay ng notorious na drug pusher na si Saturnino Majeco, 55, alyas Bebot.

Ayon kay investigator PO3 Robertson Vallejo, bumunot ng mga baril ang dalawang bodyguard ni Majeco nang mahalatang police asset ang ka-tran­saksyon nito dahilan para magkabarilan ang mga pulis at mga suspek.

Namatay mula sa tama ng bala sa ulo ang mga suspek na nakilala lamang bilang sina alyas Onyok at alyas Totoy.

Narekober mula sa crime scene ang dalawang kalibre .38 at kalibre .45 na pistol ng mga suspek, tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15,000 at mga basyo ng bala.

Nahuli naman si Majeco at lima niyang parok­yanong karamihan umano’y mga tricycle driver na kinilalang sina Remigio Antillon Jr., 48; Joshua Miguel, 22; Migueito Senadan, 28; Robert Rabang, 32 at Charlie Villegas, 33.

Ilang buwan umanong minamanmanan si Majeco matapos ireklamo ng mga residente nang pagtutulak ng droga sa mga driver. Napag-alaman ding madalas na namamasada ng tricycle ang suspek bilang sideline.

Kinasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act kahapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with