^

Police Metro

Laboratory ni-raid: P1.1-B liquid shabu, narekober

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinalakay nang pinagsanib na puwersa ng PNP-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bahay na ginawang laboratoryo ng shabu sa Angeles City, Pampanga, kahapon.

Tinatayang aabot sa P 1.1 bilyong halaga ng likidong metamphetamine  na sangkap sa paggawa ng shabu ang nasamsam kaugnay ng pinalakas na anti–drug operations ng PNP at PDEA sa mga lugar  sa buong bansa na natukoy na nasa likod ng talamak na pagpapakalat o pagbebenta ng illegal na droga.

Ayon kay Sr. Supt. Leonardo Suan, Deputy Director ng PNP-AIDG, bandang alas- 9:00 ng umaga nang sala­kayin ng kanilang mga operatiba katuwang ang PDEA agents ang isang bahay sa Don Vicente Street sa Villa Dolores Subdivision, Brgy. Sto. Domingo, Angeles City.

‘Eto pong liquid shabu, ito po yung last process sa pag-manufacture ng shabu which is the last step is crystalization. itong liquid shabu kapag nilagay mo sa freezer mag crystalize na po ito”,paliwanag ni Suan sa 45 mala­laking galon ng liquid shabu na nasamsam sa operasyon.

Ang nasabing bahay na pag-aari ng isang abogado ay pinauupahan naman ng may dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas sa isang Taiwanese na tinukoy lamang sa pangalang Chang.

Bigo naman ang mga otoridad na maaresto ang limang suspek  kabilang ang tatlong Taiwanese na pinaniniwalaang nakatunog at mabilis na nakatakas.

Maliban sa 45 malalaking galon ng nasamsam na liquid shabu ay nakuha rin sa lugar ang iba pang mga kemikal at gamit sa paggawa ng naturang uri ng droga.

Nabatid na ito na ang  ikalawang laboratory ng shabu na nadiskubre sa Angeles City.

Magugunita na noong Marso 16 ay sinalakay rin ng mga awtoridad ang isang bahay sa may Timog Subdivision sa lungsod kung saan tinatayang 10-15 kilo ng shabu ang nakumpiska maliban pa sa bulto ng mga kemikal sa nasabing shabu laboratory.

NBI

SYNTHETIC DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with