^

Police Metro

B-day boy nasawi sa sunog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na estudyante ang nasawi sa suppocation matapos matagpuan sa banyo ng nasunog nilang bahay kahapon ng umaga sa Marikina City.

Kinilala ang biktimang si Salvador Aller, ng  Chorillo St., Barangay Barangka, Marikina City.

Batay sa ulat bago nangyari ang sunog, dakong alas-6:45 ng umaga ay ipinagdiwang ng biktima ang kanyang kaarawan kamakalawa na kung saan ay nag-inuman sila ng kanyang mga bisita at inumaga na natapos ang selebrasyon.

Agad na natulog ang biktima sa sobrang puyat na kung saan ay biglang nagkasunog kaya’t ginising at kinatok ito ng kanyang mga kasama ang silid nito.

Naalimpungatan ito at sa halip na lumabas ng bahay ay sa banyo ito napunta at doon na nasawi dahil sa mga usok na nalanghap nito.

Sa inisyal na imbes­tigayon, sinasabing mula sa nag-over heat na electric fan ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa kabuuang bahay ng pamil­yang Aller at nadamay pa ang 10 pamilya na u­mabot sa ikatlong alarma na  idineklarang fireout dakong alas-7:55 ng umaga.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY BARANGKA

BATAY

CHORILLO

ISANG

KINILALA

MARIKINA CITY

NAALIMPUNGATAN

NBSP

SALVADOR ALLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with