^

Police Metro

Helper ginilitan ng kabaro

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ang 32-anyos na helper matapos itong gilitan at saksakin ng tinedyer na lalaki sa footbridge ng Delpan flyover sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Dante Mendoza, may-asawa, helper sa JRV Forwarding at nakatira sa Block 68 Excess Lot sa Barangay Fatima 3, Dasmariñas City, Cavite.

Arestado naman ang suspek na itinago sa pa­ngalang Tony, 15, kasamahan ng biktima at residente ng Purok 2, Isla Puting Bato sa Tondo.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun ng Manila Policer District-Homicide Section, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, natiyempuhan ng suspek ang biktima nang muli silang magkasama bilang helper sa JRV Forwarding company.

Lumilitaw na dalawang beses na umanong di binigay ng biktima ang sahod ng suspek sa una nilang pagsasama sa nasabing construction firm kaya nagtanim ito ng galit at isinagawa ang pamamaslang.

Nagtangkang tumakas ng suspek subalit  isinuko siya ng sariling ina sa mga awtoridad.

Narekober sa crime scene ang duguang patalim na ginamit ng suspek sa pamamaslang.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARESTADO

ATILDE

BARANGAY FATIMA

CAVITE

DANTE MENDOZA

EXCESS LOT

ISLA PUTING BATO

MANILA POLICER DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MICHAEL MARAGGUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with