^

Police Metro

2 binatang sawi sa pag-ibig, nagbigti

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi umano matanggap ng dalawang binata ang pagkakaroon ng away sa kanilang mga nobya at sa labis na depresyon ay tinapos nila ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa magkahiwalay na insidente sa Camarines Norte at Camarines Sur kamakalawa.

Sa unang insidente, dakong alas-6:00 ng umaga nang matagpuang nakalambitin sa kanyang inuupahang bahay sa Calle Sexy, Purok 4, Brgy 5, Daet, Camarines Norte ang biktimang si Jonas Patrick Oribiana, 20, estudyante.

Sa pahayag ng kaibigan, bago natagpuang nakabigti ang biktima ay nakipag-inuman muna ito sa kanila at inihayag ang hindi pagkakaunawaan nila ng nobya.

Idineklarang dead-on- arrival naman dakong alas-2:00 ng hapon sa Bicol Medical Center ang ikalawang biktima na si Ronnie De Asis, 22, binata, Zone 1, Brgy. San Felipe, Minalabac, Camarines Sur matapos itong magbigti.

Ayon sa kaanak na bago ang pagbibigti ng biktima ay naging malungkutin ito matapos umanong mag-away sila ng kanyang nobya.

vuukle comment

ANG

AYON

BICOL MEDICAL CENTER

BRGY

CALLE SEXY

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

DAET

JONAS PATRICK ORIBIANA

RONNIE DE ASIS

SAN FELIPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with