^

Police Metro

Kinalasan ng nobya... Binata sinunog ang sarili

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa sobrang desperado sa buhay matapos kalasan ng nobya ay nagsaksak sa sarili ang isang 24-anyos na lalaki at  sinilaban pa ang inuupahang bahay kaya’t nalitson ito na naganap kamakalawa ng hapon sa Purok 7A, Brgy. Bagumba­yan, Paracale, Camarines Norte.

Ang biktima na halos hindi na makilala dahil sa pagkasunog ng buong mukha at katawan ay kinila­lang si Noriel Legaspi, kawani ng Karisma Videoke Bar at residente ng Purok 8, Brgy. Alawihao, Daet, ng lalawigan.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-3:00 ng hapon ay nakita ng mga residente na nagliliyab ang bahay kubo ng biktima na mabilis lamunin ng apoy.

Halos kalahating oras bago tuluyang naapula ng mga bumbero ang nasusunog na bahay kubo at nang magsagawa ng mopping operation ay nakita ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa sala.

Nang siyasatin ay nakita ang mga tama ng saksak sa katawan nito kaya’t hinihinala na nagsaksak muna ang biktima bago sinunog ang bahay.

Sa salaysay ng kasamahan sa trabaho ng biktima na si  Zharlyn Paraiso,18, simula ng kalasan ang biktima ng kanyang nobya na si Carla Balensuelo na tubong Atimonan, Quezon ay naging desperado na ito sa buhay.

Malaki ang hinala ng pulisya na nagpakamatay ang biktima.

 

vuukle comment

ACIRC

ALAWIHAO

ANG

BIKTIMA

BRGY

CAMARINES NORTE

CARLA BALENSUELO

KARISMA VIDEOKE BAR

NORIEL LEGASPI

PUROK

ZHARLYN PARAISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with