11 POI sa P3.53 bilyong shabu mula Laos, tukoy na - Jonvic

MANILA, Philippines — Pinangalanan ni Dept. of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nitong Biyernes, Oktubre 16, 2026, ang 11 persons of interest (POIs) na iniuugnay sa tinangkang pagpupuslit ng 521 kilo ng shabu nagkakahalaga ng P3.54 bilyon mula sa Laos.
Ang naturang bulto ng ilegal na droga ay naharang noong Oktubre 1 sa Luang Prabang International Airport sa Laos habang ikinakarga sa isang private jet na patungo sanang Manila.
Ayon sa (DILG), ang mga pagkakakilanlan ay ibinatay sa mga dokumento, operasyon ng pulisya, at intelligence report kasama ang mga foreign counterparts sa Southeast Asia.
Kabilang sa mga pinangalanang indibidwal ng DILG ay mga politiko, miyembro ng kapulisan, at mga sibilyan: Edrieza Nazzer Rimbang (kilala bilang “Sultan”) dating miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament;Fahad Mulok Dibarosan (alyas “Fahad”) ?ng Pilipinong pasahero na naaresto sa paliparan sa Laos na residente ng Marawi; PEMS Aileen Jayne Manalo Mendoza, ang pulis na tinanggal muna sa serbisyo habang gumugulong ang imbestigasyon; Rioklyn Pizarras Toledo, alyas “Boyet” ? ang umano’y kumontak kay PEMS Mendoza at nag-book ng pribadong eroplano; Abdullah Rimbang Macarimbang; Aldren Nadal Samante; Rudy Isidro; Abdulkarim Macalatas; Christian Fabrigas; Rohaniah Rimbang; at Hilario de Vera, alyas “Larry.”
Nasabat ang ilegal na droga noong Oktubre 1, 2026 sa Luang Prabang International Airport sa Laos.
Nakalagay ang mga ito sa 21 maleta at ikakarga sana sa isang private jet (Learjet 55B) patungong Maynila.
Ang biyahe ay nai-book umano sa halagang $49,500 kung saan idineklara ang kargamento bilang mga vape product bago bumiyahe pa-Manila.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Laos na ang mga field operative na nahuli ay posibleng may koneksyon sa Sam Gor, ang itinuturing na pinakamalaking mega-drug crime syndicate sa Asya.
Binigyang-diin ni Remulla na ang pagtukoy sa 11 indibidwal ay base sa mga dokumento, masusing intelihensiya, at pakikipagtulungan sa mga karatig-bansa sa Timog-Silangang Asya, at hindi lamang hula o espekulasyon at ang pagiging “person of interest” ay nangangahulugang isinasailalim pa lamang sila sa malalimang imbestigasyon at hindi pa awtomatikong patunay ng kriminal na pananagutan.
- Latest



















