^

Police Metro

Pekeng Army major, sakote

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kalaboso ang 40-anyos na pekeng Army major matapos itong masamsaman ng apat na baril at mga bala sa loob ng presinto ng pulisya sa bayan ng Manaoag, Pangasinan kamakalawa ng umaga.

Sa pahayag ni P/Senior Insp. Roderick Gonzales, hepe ng Manaoag PNP, nagsadya sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Joseph Vinluan ng bayan ng Urbiztondo upang magpasama sa bahay ni Vice Mayor Lito Arenas. ?

Gayon pa man, naghinala si Gonzales sa pagkatao ng suspek kung saan pinaberipika ang pagkatao nito sa kanyang mga tauhan.

Lumilitaw na hindi nakatala sa official roster ng AFP bilang opisyal ang suspek kaya kaagad na dinakma ito ng pulisya.

Nasamsam sa suspek ang tatlong cal.9mm pistol at isang cal. 45 pistol sa kotse ni Vinluan habang inaalam ng pulisya ang tunay na pakay nito sa bise alkalde.

vuukle comment

ANG

GAYON

GONZALES

JOSEPH VINLUAN

KALABOSO

LUMILITAW

MANAOAG

NASAMSAM

RODERICK GONZALES

SENIOR INSP

VICE MAYOR LITO ARENAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with