^

Police Metro

Isinusulong ang pagtakbo ng ama sa pagka-Pangulo... Anak ni Duterte nagpakalbo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Upang ipakita ang suporta sa kaniyang ama na isinusulong nito ang pagtakbo sa presidential elections sa May 2016 ay nagpakalbo ang anak na babae ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang Instagram account, ipinoste ni Sara Duterte ang kaniyang larawan na kalbo ang ulo at may hashtags na #Duterte 2016 , #kalboparasa pagbabago, #Nohairwecare #justDUit.

“Nagpaupaw nalang ko samtang naghulat... bisan walay kwarta, bisan way makinarya, bisan mapildi (Nagpakalbo ako habang naghihintay...wala kaming pera, walang makinarya at nakahanda kahit na matalo),” pahayag ni Sara sa kaniyang Instagram account.

Ito’y sa kabila ng ilang beses ng sinabi ni Mayor Duterte na wala siyang planong tumakbo sa pampanguluhan sa 2016.

Paulit-ulit ding iginiit ng beteranong si Mayor Duterte na sa katunayan ang pagtakbo sa re-election bilang Mayor ng Davao ang kaniyang ikinokonsidera kung hindi tatakbo sa nasabing puwesto ang kaniyang anak na si Sara.

Patuloy namang umaani ng suporta sa kaniyang milyong supporters sa social networking site si Duterte na hinihimok sumabak sa presidential race.

Magugunita na nitong  nakalipas na buwan ng Setyembre ay ilang mil­yong lagda ang kinalap ng mga supporters ni Duterte na nag-rally pa sa Luneta sa lungsod ng Maynila bilang pagpapakita ng determinadong suporta  upang kumbinsihin si Mayor Duterte na sumabak sa 2016.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAVAO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

INSTAGRAM

ITO

KANIYANG

MAYOR DUTERTE

SARA

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with