^

Police Metro

Cafgu inutas, 2 sundalo kinidnap ng NPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Brutal na pinaslang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang miyembro ng Cafgu habang dalawang sundalo naman ang kinidnap sa inilunsad na karahasan ng mga rebelde sa Barangay Casoon, bayan ng Monkayo, Compostela Valley kamakalawa.

Kinilala ang mga  kinidnap na biktima sa mga alyas lamang na Pfc. Alabaso at Pfc. Anueber  na mga nakatalaga sa Alpha Company ng Army’s 25th Infantry Battalion.

Ayon kay 1st Lt. Ale­xandre Cabales, acting Army’s regional spokesman ng Army’s 10th Infantry Division, bandang alas-2:15 ng hapon habang lulan ang mga biktima ng motorsiklo mula sa kanilang patrol base sa Barangay Banlag nang harangin ng mga rebelde.

Agad na tinutukan ng baril ng mga rebelde ang dalawang sundalo at kinaladkad patungo sa direksyon ng kagubatan.

Samantala, bago ang insidente ay napatay ng mga rebelde ang isang Cadfgu member na si Julius Agined kung saan naunang napadako sa nasabing lugar.

Ilang minuto ang pa ang nakalipas ay dumaan din ang dalawang sundalo na sumunod namang hinarang ng mga rebelde na tuluyang binihag.

Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang tropa ng militar para sa dalawa nilang kasamahang sundalo na binihag ng NPA.

vuukle comment

ACIRC

ALPHA COMPANY

ANG

BARANGAY BANLAG

BARANGAY CASOON

COMPOSTELA VALLEY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JULIUS AGINED

MGA

NEW PEOPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with