^

Police Metro

Bangkay ng lalaki itinapon sa EDSA

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang itim na garbage bag na may lamang bangkay ng hubo’t hubad na lalaki ang natagpuan kahapon ng mada­ling araw sa EDSA kanto ng NIA Road, Quezon City.

Inilarawan ng mga pulis ang biktima na nasa pagitan ng edad na 25-30,  may taas na 5’1”, may mga tattoo sa katawan tulad ng “Fe­derico Dasig, “Cesar Macao”, “Raprap” at “Onyok” na may mga saksak ng ice pick sa katawan, ­nakabalot ng packaging tape ang mukha na may nakapatong na kulay puting tuwalya at nakagapos din ang mga kamay.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw ay naglalakad ang dalawang binatilyo sa kahabaan ng EDSA at pagdating sa kanto ng NIA Road ay nakita nila ang nasabing garbage bag.

Sa pag-aakalang may makukuhang mapapakinabangan ay pinagsisipa ito hanggang sa lumitaw ang isang ulo ng tao dahilan para agad silang magtatakbo at ipagbigay sa mga nagpapatrulyang pulis mula sa Kamuning Police Station.

Hinala ng mga otoridad na posible umanong kapapatay lang ng biktima ng madiskubre ito dahil sariwa pa umano ang dugo na umaagos mula sa mga sugat ng saksak nito sa kanyang dibdib.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CESAR MACAO

DASIG

HINALA

INILARAWAN

ISANG

KAMUNING POLICE STATION

MGA

ONYOK

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with