^

Police Metro

Brodkaster itinumba ng tandem

Joy Cantos, Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng dalawang lalaki ang isang radio broadcaster  habang ito ay may kausap sa kanyang bakuran kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tagdon, Barcelona, Sorsogon.

Ang biktima na namatay habang dinadala sa ospital ay kinilalang si Teodoro “Tio Todoy” Escanilla, 59, brodkaster sa DZMS na may progra­mang  “Pamana ng Lahi” na maririnig tuwing Sabado at chairman ng Anakpawis at Spokesperson ng Karapatan Sorsogon Chapter.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 kamakalawa ng gabi ay nagising ang misis ng biktima na si Eden Escanilla dahil sa may kausap sa labas ang kaniyang mister na isang Ka Alex nang sumulpot ang isang lalaki at pinagbabaril ito habang ang kasama ay nagsilbing lookout.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa ma­lamang destinasyon na sinamantala ang kadiliman ng paligid. Narekober naman sa crime scene ang tatlong cartridge ng mga armas na ginamit sa krimen na natukoy na cal. 45 pistol at M16 rifles.

vuukle comment

ACIRC

ANAKPAWIS

ANG

BATAY

BRGY

EDEN ESCANILLA

ESCANILLA

KA ALEX

KARAPATAN SORSOGON CHAPTER

LAHI

TIO TODOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with