^

Police Metro

Kuya dinedbol si utol sa basketbol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Makabagong Abel at Cain ang nangyari sa isang magkapatid nang barilin ng nakakatandang kapatid ang kanyang utol na si Pablo Cagantas Jr., 40 sa ulo sa gitna ng mainitan nilang pagtatalo sa isang basketball court kamakalawa sa Purok 6-E, Brgy. Libertad, Butuan City, Agusan del Norte.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Frederick Cagantas, 45, may-asawa at residente ng Purok 6-B ng nasabi ring barangay.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:30 ng umaga sa basketball court sa nasabing lugar ay galit na kinompronta ng suspek ang nakababatang kapatid sa lumang alitan nila na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa kalagitnaan ng mainitang pagtatalo ay big­lang binunot ng suspek ang nakasukbit na baril sa baywang at binaril ang kapatid nang malapitan sa ulo.

vuukle comment

ACIRC

AGUSAN

ANG

BATAY

BRGY

BUTUAN CITY

FREDERICK CAGANTAS

LIBERTAD

MAKABAGONG ABEL

PABLO CAGANTAS JR.

PUROK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with