^

Police Metro

Poe: Mas pinipili ang naghihinog pa lamang

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binuweltahan agad ni Senator Grace Poe si Pangulong Benigno Aquino III sa pahayag nito nang i-endorso kamakalawa si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na hindi na kinakailangan pang magsanay sa pamumuno.

Bagaman at hindi binanggit ang pangalan ni Poe, mistulang siya ang tinutukoy ng Pa­ngulo dahil mas matagal sa kanya sa gobyerno si Roxas na posibleng maging kalaban ng senadora sa presidential race sakaling magdesisyon itong tumakbo sa presidential election sa susunod na taon.

Sinabi ni Poe, hindi naman maikakailang mas mahaba sa gobyerno si Roxas kaya masasabing hinog na ito pero may mga tindera aniya na mas pinili ang mga mahihinog pa lamang (na prutas) dahil mas tumatagal ito.

Pero, nagpapasalamat rin si Poe dahil sa patuloy na panliligaw sa kanya ng Liberal Party na tumakbong bise president ni Roxas.

Si Poe pa rin umano ang “top choice” ng LP para kumandidatong bise presidente ng partido kahit pa hindi nila ito miyembro.

vuukle comment

ACIRC

BAGAMAN

BINUWELTAHAN

LIBERAL PARTY

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PERO

ROXAS

SENATOR GRACE POE

SI POE

SINABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with