^

Police Metro

3 apo ng mayor dinukot

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong apo ng isang mayor kabilang ang dalawang paslit ang dinukot ng nasa sampung armadong kala­lakihan na naganap kamakalawa sa pamilihang bayan ng Pitogo, Zamboanga del Sur.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Ledegie Tomarong, 17; Ace Jay Garban, 3; at Zynielle Jay  Garban, 2 pawang mga apo ni Pitogo Mayor Richard Garban.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagbihag sa mga biktima dakong alas-5:30 ng hapon sa pamilihang bayan ng Poblacion, Pitogo ay sampung mga  armadong kalalakihan ang dumating sa lugar na lulan ng dalawang pumpboat na dumaong sa fish port ng Pitogo.

Nagtungo ang mga suspek sa bakeshop ni Chzarenia Sajulga  na tangkang  kidnapin, pero nakatakas ito matapos na makatakbo sa loob ng silid at naisara ang pinto.

Pinagbabaril ng mga suspek ang door knob kaya’t lumikha ng alarma sa mga tao sa lugar na nirespondehan ng mga otoridad.

Kaya’t nagtatakbo ang mga suspek at nasalubong ang tatlong biktima kaya’t ito ang tinangay at isinakay sa kanilang pumpboat para tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon kung may kinalaman ang mga bandidong Abu Sayyaf Group sa insidente.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ACE JAY GARBAN

ACIRC

ANG

BATAY

CHZARENIA SAJULGA

LEDEGIE TOMARONG

MGA

PITOGO

PITOGO MAYOR RICHARD GARBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with