^

Police Metro

Binata utas sa kaibigan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napahamak pa ang isang lalaki sa pag-awat sa kaibigan na nagwawala nang pagbalingan siya ng galit nito at walang habas na pinagsasaksak sa katawan kahapon ng madaling araw sa Madaluyong City.

Ang biktima ay kinilalang si Joel Hizon, helper ng #34 Dansalan St., Barangay Malamig, Mandalu­yong City na bago nalagutan ng hininga  ay nagawa pa niyang banggitin na ang kaibigang si Reynold Bediasay, 22, alyas  “Noynoy,” tubong Samar at residente ng #171 Sheridan St., Barangay Buwayang Bato, Mandaluyong City ang sumaksak sa kanya.

Bago nangyari ang pananaksak sa biktima dakong alas-2:00 ng madaling araw ay kainuman nito ang suspek at iba pang kasama sa Madison Square, Sheridan St., Brgy. Buwayang Bato na sa sobrang kalasingan ay naghamon ng away sa ibang kustomer ang suspek.

Inawat ito ng biktima upang hindi mapahamak at humingi ng depensa sa ibang kustomer kaya’t inilayo ang suspek sa lugar ng inuman.

Paglabas ay pinagbalingan ng galit at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng suspek ang biktima.

Bagama’t sugatan ay nagawa ng biktima na makabalik sa Madison Square at humingi ng tulong sa naiwang kabigan na si Condimina na siyang nagsugod sa Mandaluyong City Medical Center at bago nalagutan ng hininga ay nasabi nito na si ‘Noynoy’ ang sumaksak sa kanya.

Inaresto ng mga otoridad ang suspek sa isang follow-up operation na ngayon ay nakapiit sa Mandaluyong Police Detention Cell at nahaharap sa kasong murder.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY BUWAYANG BATO

BARANGAY MALAMIG

BUWAYANG BATO

DANSALAN ST.

JOEL HIZON

MADALUYONG CITY

MADISON SQUARE

MANDALUYONG CITY

SHERIDAN ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with