^

Police Metro

2 babae itinumba sa Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang insidente ng pamamaril ang naganap kamakalawa at kahapon ng madaling araw na ikinasawi ng dalawang babae kabilang ang isang 14-anyos na dalagita sa magkahiwalay na lugar sa Port Area at Tondo, Maynila.

Ang unang nasawi ay kinilalang si Marilou De Asis, 14, out-of-school youth, ng no. 024 Block 1, Aplaya, Baseco, Port Area, Maynila na nagtamo ng  tatlong tama ng bala sa ulo.

Batay sa ulat, dakong alas-9:15 ng gabi nang barilin si De Asis ng hindi pa kilalang lalaki sa eskinita ng Blk. 1, Dubai St., Baseco.

Ayon sa magulang ng biktima na manganga­lakal ng basura na matigas ang ulo ng kanilang anak at napabayaan nila itong mapabarkada sa mga solvent boy sa kanilang lugar.

Binaril din at napatay kahapon ng alas-12:50 ng madaling araw sa Infanta Bridge, Velasquez St.,Tondo ang isa hindi pa kilalang babae na inilarawan na nasa pagitan ng edad na  30-35, may taas na 5’2”, nakasuot ng kulay berdeng t-shirt, asul na shorts at asul na sandals.

Sa salaysay ng mga kalalakihan na nag-iinuman na nakarinig sila ng mga putok ng baril kaya’t agad nila itong pinuntahan at nakita ang biktima na bumagsak sa kalye habang ang suspek ay nagtatakbo paakyat sa tulay.

vuukle comment

APLAYA

BASECO

DE ASIS

DUBAI ST.

INFANTA BRIDGE

MARILOU DE ASIS

MAYNILA

PORT AREA

VELASQUEZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with