^

Police Metro

Trike driver kinatay ng trader na may topak

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang walang awang pinatay ng isang trader na sinumpong ng diperensiya sa pag-iisip kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Ang suspek na may nakapulupot na kawad ng kuryente sa leeg at armado ng duguang bolo na tangkang tumalon mula sa ikatlong palapag ng kanilang bahay kinilalang si Albert John Vista, 26 trader.

Ang biktima ay kinilalang si Vicente Almaceda, 40, tricycle driver boarder sa bahay ng suspek sa #10428 Pinalad Road, Centennial II, Barangay Pinagbuhatan sa lungsod.

Hinihinala ng mga otoridad na posibleng sinumpong ng diperensiya sa pag-iisip ang suspek kaya nagawa niyang katayin ang biktima.
Sinasabing nagkaroon ng diperensya sa pag-iisip ang suspek nang ito umano ay mabugbog ng isang pulis sa Taguig City noong Nobyembre.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi bago umakyat sa ikatlong palapag ng kanilang bahay ang suspek ay nakausap nito ang kanyang tatay na si Allan at  inamin na mayroon siyang pinatay na tao.

Nang puntahan ang kuwartong inuupahan ay nakita ang duguang bangkay ng biktima na tadtad ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

vuukle comment

ALBERT JOHN VISTA

BARANGAY PINAGBUHATAN

BATAY

HINIHINALA

ISANG

NANG

PASIG CITY

PINALAD ROAD

TAGUIG CITY

VICENTE ALMACEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with