^

Police Metro

Mag-ama at kasama itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang tatlong katao kabilang ang isang mag-ama nang sila ay pagbabarilin kamakalawa ng  mga armadong kalalakihan sa Lamitan City, Basilan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Alen Pioquinto, at mag-amang sina Noel Alvarez  at anak nitong si Nolie Alvarez.

Sa ulat ng Lamitan City Police, bago naganap ang pamamaril bandang alas- 4:30 ng hapon ay galing sa pamumutol ng kahoy ang tatlo na pawang “chainsaw operator” nang tambangan ng mga armadong suspek habang sakay ng motorsiklo.

Ang mga biktima ay residente ng Zamboanga City at pumunta lamang sa Basilan dahil sa kanilang hanapbuhay bilang mga ‘chainsaw operator’.

Matapos mapatay ay tinangay ng mga suspek na pinaghihinalaang mga bandidong Muslim ang mga kagamitan at motorsiklo ng mga biktima.

vuukle comment

ALEN PIOQUINTO

BASILAN

LAMITAN CITY

LAMITAN CITY POLICE

MATAPOS

NAMATAY

NOEL ALVAREZ

NOLIE ALVAREZ

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with