^

Police Metro

Kelot tinodas ng kapitbahay na pulis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binaril sa likod ang isang 36-anyos na lalaki ng kapitbahay na pulis na may sama ng loob sa una kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Alaska Sanchez, jobless, residente ng no. 235 Hono­rio Lopez Boulevard, Balut,  Tondo. Nagtamo ito ng tama ng bala sa likod na tumagos sa harapan.

Ang suspek ay kinila­lang si PO1 Riad Fernando, nakalatalaga sa NCRPO at residente sa no. 235 H. Lopez Blvd., Tondo.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga ng Linggo ay nagpapahinga sa kanyang kuwarto ang biktima nang ito ay pasukin ng suspek na  kadikit ang kuwarto ng biktima at walang sabi-sabing pinutukan.

Nagmamakaawa na umano ang biktima nang dumating ang kapatid at umawat kaya hindi na mu­ling binaril  at tumakas na.

Pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng suspek na inabutan na natutulog, subalit hiniling ng chairman na nakasasakop sa lugar na sa kaniya muna idaan ang suspek dahil nais umano nitong sumuko.

Habang isinusulat ang balitang ito ay  sinabi ni  PO3 Amelito Lopez, follow-up group ng Homicide Section, hindi pa naitu-turn over sa kanila ang suspek para sana isalang sa inquest proceedings sa kasong murder.

Sa nakuhang impormasyon ay may dati nang alitan ang biktima at suspek  na may kaugnayan sa droga.

 

vuukle comment

ALASKA SANCHEZ

AMELITO LOPEZ

BATAY

BINARIL

HOMICIDE SECTION

LOPEZ BLVD

LOPEZ BOULEVARD

RIAD FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with