^

Police Metro

1-anyos todas, ina grabe sa baril ng mister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 1-anyos na batang lalaki ang nasawi habang kritikal naman ang ina nito matapos na pagbabarilin ng la­sing na ama sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bata, Bacolod City kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing sanggol dahil sa tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Rommel Marcelo.

Nilalapatan ng lunas sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang  ina nito na si Rose Marcelo, 35 na nagtamo ng tama ng bala sa baba.

Sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi ay umuwing lasing ang suspek na si Porferio Marcelo, 33 at muling inaway ang misis.

Sa halip na maki­pagtalo ang misis ay binuhat nito ang anak at lumabas ng bahay, subalit hinabol sila ng suspek at binaril ang misis na dumaplis sa baba, subalit tumama ito sa dibdib ng anak.

Ang suspek ay kinasuhan ng parricide at frustrated parricide.

 

vuukle comment

BACOLOD CITY

BATA

BRGY

CORAZON LOCSIN MONTELIBANO MEMORIAL REGIONAL HOSPITAL

ISANG

NILALAPATAN

PORFERIO MARCELO

ROMMEL MARCELO

ROSE MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with