^

Police Metro

3 sugatan sa dynamite fishing

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasugatan ang tatlong katao kabilang ang isang 6-anyos na batang babae matapos na sumabog ang dinamita ng dalawang mangingisda na gamit nila kahapon ng umaga sa Rosario, Cavite.

Ang mga biktima na dinala sa St. Martin Hospital ay kinilalang sina Christine Convento, 6; Alfie Convento, 28 at Aldrin Zabra, 22, kapwa mangingisda at nakatira sa Aplaya, Brgy. Ligtong 1, Rosario, Cavite.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay nag-uusap sina Alfie at Aldrin sa labas ng bahay habang hawak ng huli ang dinamita nang aksidenteng dumulas ito sa kamay at sumabog.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang dalawa gayundin ang batang naglalaro lang sa loob ng bahay. 

vuukle comment

ALDRIN ZABRA

ALFIE

ALFIE CONVENTO

APLAYA

BRGY

CAVITE

CHRISTINE CONVENTO

LIGTONG

NAGTAMO

ST. MARTIN HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with