^

Police Metro

Beybi inihambalos ng tiyuhing baliw sa semento

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang parang laruan na manika na inihambalos ang 1-taon at 6 buwang gulang na batang babae sa semento ng kanyang tiyuhin na may sira sa ulo naganap kamakalawa ng gabi sa Bayambang, Pangasinan.

Halos nabasag ang bungo at nalasog ang mga buto ng biktima na si Shaira Mae Arenas, na idineklarang dead on arrival sa Region 1 Medical Center.

Batay sa ulat, bandang alas-7:20  ng gabi nang dumating sa bahay ng mga Arenas ang suspek na si Noli Arenas Solomon at nadatnan ang naglalarong bata habang ang ina nito ay may ginagawa sa labas ng kanilang bahay.

Bigla na lamang hinawakan ng suspek ang dalawang paa ng bata, itiniwarik ito saka ibinalibag sa semento na hindi pa nakuntento ay inihambalos nang sunud-sunod.

Laking gulat naman ng ina ng bata na nagsisigaw sa paghingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay kung saan nagresponde ang mga barangay tanod at hinabol ang nagtatakbong suspek.

Nagawa namang maabutan ng mga ope­ratiba ng Bayambang Police ang suspek na agad inaresto.

Nabatid na isang out patient sa National Center for Mental Health ang suspek na posibleng sinumpong ng sakit nito sa pag-iisip kaya’t nai­sagawa ang krimen.

 

vuukle comment

BATAY

BAYAMBANG

BAYAMBANG POLICE

BIGLA

MEDICAL CENTER

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

NOLI ARENAS SOLOMON

SHAIRA MAE ARENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with