^

Police Metro

Pawnshop nadale ng P1-M ng ‘Termite Gang’

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit P 1 milyong pisong halaga ng pera at mga alahas ang natangay ng mga miyembro ng “Termite Gang” sa isang pawnshop na kanilang pinasok sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ni Lida Cuevas, kawani ng Umerez Pawnshop na matatagpuan sa Molino/Paliparan Road, Brgy.Paliparan 3 na sila ay pinasok ng magnanakaw nang makitang gulo-gulo na ang mga gamit sa loob at may nakita malaking butas sa sahig.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dumaan sa water drainage na nasa likurang bahagi ng pawnshop ang mga suspek at humukay papasok sa loob.

Natangay ng mga suspek mula sa winasak na vault ang mahigit kumulang sa P200,000.00, $4,400,00, mga alahas na nasa halagang Php700,000.00 at isang 38 revolver.

Nabatid na walang nakakabit na CCTV at alarm ang nasabing pawnshop at matagal na itong namanmanan bago naisagawa ang paghuhukay.

vuukle comment

AYON

BRGY

CAVITE

DASMARI

LIDA CUEVAS

PALIPARAN ROAD

TERMITE GANG

UMEREZ PAWNSHOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with