^

Police Metro

Tserman itinumba ng nakamotor

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang barangay chairman ang nasawi nang  pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa Bayugan City,  Agusan del Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si Marciano Café, 53, Chairman sa Brgy. Maygatasan  ng lungsod.

Sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga ay lulan ang biktima ng kulay pula  na may disenyong puti  Honda XR 200 motorcycle at binabagtas ang highway ng Brgy. Maygatasan at patungong Purok 8, Rice Drier, Brgy. Maygatasan  ng lungsod  nang sundan ng mga suspek na kapwa nakasuot ng helmet at lulan ng kulay pulang motorsiklong XRM at pinagbabaril ang biktima.

Humagis ang biktima sa kanyang motorsiklo dahil sa mga tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan mula sa cal. 45 pistol.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pulitikang pambarangay ang motibo ng krimen.

vuukle comment

AGUSAN

BAYUGAN CITY

BRGY

HUMAGIS

ISANG

MARCIANO CAF

MAYGATASAN

NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with