^

Police Metro

Pinagbabaril habang nag-aalmusal... Hotel owner itinumba sa halagang P50K

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang hotel owner ang pinagbabaril ng dalawang hired killers habang ito ay nag-aalmusal sa loob ng kanyang pag-aaring hotel sa Zamboanga City kahapon ng umaga.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Western Mindanao Me­dical Center ang biktima na si Hadja Salwa Kaman Julwadi, 48-anyos, may-ari ng Hotel Salwa na matatagpuan sa kahabaan ng Governor Camins Road ng lungsod na ito.

Habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang nasugatang guwardiya na si Michael Tista.

Dalawa sa mga suspek na naaresto habang tumatakas na kinilalang sina Ernesto Angeles Bello at Silbert Villa­real; pawang  residente ng Vitali District sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:20 ng umaga ay kasalukuyang nag-aalmusal ang biktima sa loob ng pag-aari nitong hotel nang dumating ang dalawang lalaki na kapwa armado ng cal. 45 pistol at pumasok sa nasabing hotel.

Agad na pinagbabaril ang biktima  at habang patakas ay binaril rin ang guwardiya sa may entrance ng hotel.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ng pulisya na rido ang motibo sa krimen at binayaran ang mga suspek ng P50,000 para itumba ang negosyante.

Nakuha sa mga suspek ang litrato ng biktima na dala ng mga ito upang matukoy kung sino ang kanilang itutumba.

 

vuukle comment

ERNESTO ANGELES BELLO

GOVERNOR CAMINS ROAD

HADJA SALWA KAMAN JULWADI

HOTEL SALWA

MICHAEL TISTA

SILBERT VILLA

VITALI DISTRICT

WESTERN MINDANAO ME

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with