^

Police Metro

Electrician, natusta sa kuryente

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tustado at agad na nasawi ang isang electrician makaraang makuryente habang nagkukumpuni ng ilaw ng isang signage ng restaurant sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PO2 Louie Serbito, may hawak ng kaso ang biktima na si Bryan Abdon, binata na nagawa pang maitakbo sa East Avenue Medical Center pero hindi na rin uma­bot ng buhay.

Nangyari ang insidente sa Buddy’s restaurant na matatagpuan sa  #9 Timog Avenue, Brgy. Sacred Hearth, ganap na alas-2:30 ng madaling araw.

Ayon kay James Kevin Silvalana, kasamahan ng biktima, nagkukumpuni sila ng nasirang ilaw ng signage ng Buddy’s na nasa itaas, nang ilang sandali ay mapuna niya na nahulog ang plais na gamit nito.

Nang kanyang tingnan ang itaas ay saka nakita ang biktima na nanginginig. Agad nilang pinatay ang circuit breaker at ipinagbigay alam ang nangyari sa kanilang supervisor na si Daniel Bueta.

Humingi ng tulong ang mga kasamahan sa barangay saka inalis ang biktima sa pagkaka-trap sa may signage at itinakbo sa East A­venue Medical Center, pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

Sa cursory examination sa bangkay ng biktima nabatid na nagtamo ito ng matinding pagkasunog sa kanyang kaliwang kamay.

 

vuukle comment

BRYAN ABDON

DANIEL BUETA

EAST A

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JAMES KEVIN SILVALANA

LOUIE SERBITO

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

SACRED HEARTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with