^

Police Metro

Ayaw magbayad ng utang: Mister sinaksak, misis sinapak

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa naospital ang isang mag-asawa matapos na saksakin ang mister habang ang kanyang misis naman ay sinapak ng kanilang pinagkakautangan kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang mag-asawa ay kinilalang si Joey Alvarez, 36, at misis nitong si Mary Grace, 34, kapwa residente  Gov. Pascual Avenue, Barangay Catmon ng natu­rang  lungsod.

Naaresto naman ang suspek na si Marvin Dela Cruz, 25,  ng Sanciangco St., Catmon ng nabanggit na barangay.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi habang nakikipag-inuman sa tapat ng kanilang bahay ang mister sa ilang mga kapitbahay nang dumating ang suspek at naniningil sa matagal na nilang utang ng kanyang misis.

Napahiya sa mga kainuman ang mister,  na naging dahilan upang makipagtalo sa suspek hanggang sa mauwi sa suntukan.

Nakabunot ng patalim ang suspek at sinaksak  ang biktima at nang umawat ang misis ay sinapak ito na naging dahilan upang mawalan ng malay ang ginang hanggang sa isinugod ang mga ito sa nabanggit na ospital.

 

vuukle comment

CATMON

JOEY ALVAREZ

KAPWA

MALABON CITY

MARVIN DELA CRUZ

MARY GRACE

PASCUAL AVENUE

SANCIANGCO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with