^

Police Metro

2 patay sa naaksidenteng trak

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi kaugnay ng dalawang naaksidenteng trak na naganap sa Quezon City at Taytay, Rizal.

Sa Quezon City ay hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Wilfredo Reyes, 51, ng Sta. Maria, Bulacan matapos sumalpok ang minamaneho niyang dump truck sa sinusundang 10-wheeler truck sa bahagi ng Katipunan Avenue, Quezon City, kahapon ng alas-4:15 ng madaling araw.

Sa lakas ng impact, nawasak ang unahang bahagi ng minamanehong truck ng biktima kung saan siya naipit sa upuan.

Hindi naman uma­bot ng buhay sa ospital ang biktimang si Domingo Francisco, ng Tikling, Barangay Dolores, Taytay matapos
na maipit ng trak na may kargang buhangin.

Sa ulat, dakong alas-4:15 ng madaling araw ay bumabagtas ang 10 wheeler truck (ZRL-306) na may kargang buhangin, sa Ortigas Avenue Extension patu­ngong Antipolo City nang mawalan ng kontrol ang hindi pa kilalang driver nito sa paahong bahagi ng Tikling kaya’t dumausdos ito pababa at inararo ang mga bahay ng biktima na noon ay natutulog pa.-Ricky Tulipat, Mer Layson-

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY DOLORES

DOMINGO FRANCISCO

KATIPUNAN AVENUE

MER LAYSON

ORTIGAS AVENUE EXTENSION

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SA QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with