^

Police Metro

Tandem pisak sa trailer truck

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa todas ang driver at ang angkas nito nang masagasaan ng isang trailer truck matapos na su­malpok sa gutter ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Payatas Road, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Ricardo Pontenoza Jr., 28, driver, ng Tuburan Ligaw Albay; at Ely Tinio, 28, ng Payatas Quezon City.

Nadakip naman ang driver ng trailer truck na si Cress Igong-Igong, 26, ng Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Payatas Road.

Bago nangyari ang aksidente ay minamaneho ni  Pontenoza ang kanyang Rusi motorcycle at angkas si Tinio at tinatahak ang Payatas Road nang tangkain umano nitong mag-overtake sa sinusundang trailer truck, subalit tumama sila sa gutter.

Pagtama nila sa gutter ay tumilapon ang mga biktima ng may apat na metro at pagbagsak ay umilalim sila sa trailer truck na minamaneho ni Igong-Igong at nasagasaan sila.

Nakapiit ngayon ang suspek at inihahanda ang kasong isasampa.

vuukle comment

BATAY

CRESS IGONG-IGONG

ELY TINIO

IGONG-IGONG

PAYATAS QUEZON CITY

PAYATAS ROAD

PONTENOZA JR.

QUEZON CITY

TUBURAN LIGAW ALBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with