^

Police Metro

Lt.Col. Sison, sibak sa Bonifacio blast

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinibak na sa puwesto ang Battalion Commander ng Explosive Ordnance Division (EOD) sa Fort Bonifacio, Taguig City kaugnay ng trahedya sa sunog at serye ng pagsabog na ikinasawi ng tatlong sundalo habang 29 pa ang nasugatan.

Kinilala ang nasibak na opisyal na si Lt. Col. Florante Sison  na hindi muna bibigyan ng anumang command position sa loob ng dalawang taon.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Noel Detoyato, ang pagsibak kay Sison ay batay sa  inilabas na resulta ng imbestigasyon ng Army Board of Inquiry sa pamumuno ni Brig. Gen. Cesar Sedillo.

Aniya, lumitaw sa imbestigasyon ng BOI na nagkaroon ng spark o ignition dulot naman ng friction sa loob ng imbakan ng mga baril at eksplosibo sa storage room ng EOD Battalion sa Army Support Command noong Mayo 7.

Ang nasabing spark ay lumikha ng sunog at serye ng mga pagsabog  dahil may mga nakaimbak din ditong mga powder na ginagamit sa paggawa ng explosive device.

Maliban dito,  nabatid na walang nakatalagang safety officer  sa  EOD Battalion Headquarters nang naganap ang sunog na isang malinaw na paglabag sa Standard Operating Procedures.

Binigyang diin ng opisyal na  tungkulin ng safety officer  na bantayan ang imbakan  ng mga bala at eksplosibo na dapat agad na   tumugon at humingi ng tulong kapag nagkaroon ng  hindi inaasahang insidente  tulad  ng sunog. 

Samantala, pumanaw na rin ang isa pang si 1st Lt Dinar Alozada, nagtamo ng 80 % na pagkasunog ng katawan. Dakong alas-3:39 ng hapon, kamakalawa ng ideklara itong patay sa East Avenue Medical Center, Quezon City.

 Magugunita na magkakasunod na nasawi ang dalawang sundalong sina Corporal Bernabe Mota at Master Sergeant Ferdinand Rapal na kapwa nagtamo ng malalang sugat sa katawan.

 

vuukle comment

ARMY BOARD OF INQUIRY

ARMY SUPPORT COMMAND

BATTALION COMMANDER

BATTALION HEADQUARTERS

CESAR SEDILLO

CORPORAL BERNABE MOTA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

FLORANTE SISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with