^

Police Metro

Paniwala ni De Lima... dawit sa ‘Napolist’ madaragdagan pa

Doris Franche-Borja, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maaari pang maragdagan ang bilang ng mga mambabatas at opis­yal ng pamahalaan na nakapaloob sa “Napoles list” na isinumite ng Department of Justice (DoJ) sa Senado kahapon.

Ito ang malaking paniwala ni Justice Secretary  Leila De Lima, dahil anya na hindi malayong may maalala pa si Janet Lim Napoles na mga pangalan ng senador at congressmen o opisyal ng gobyerno na dawit din sa PDAF scam.
Ito aniya ang nangyari sa Napoles list na isinumite sa Senado kung saan may mga sulat kamay na pa­ngalan si Napoles na ipinahabol matapos maalala na nakatransaksyon din nito sa pork scam.

Tiniyak naman ni De Lima na maisusumite nito sa Senado sa susunod na linggo ang sinumpaang salaysay ni Napoles.

Sa isinumiteng Napoles list ni De Lima sa Senate Blue Ribbon Committee  kahapon na pirmado ni Naploes ay  10 kasalukuyan at dalawang dating senador ang isinangkot nito.

Kasama sa listahan ni Napoles sina Senators Ramon “Bong” Revilla Jr.; Jinggoy Estrada; Juan Ponce-Enrile;Vicente “Tito” Sotto III; Loren Legarda; Aquilino “Koko” Pimentel III; Manny Villar (da­ting senador); Alan Peter Cayetano; Gringo Honasan; Robert Barbers (dating senador); Francis “Chiz” Escudero; JV Ejercito (dating kongresista).

Samantala, kinuwestiyon ni Senator Francis “Chiz” Escudero kung may deal na sa pagitan nina De Lima at Napoles kaugnay sa kung sinu-sino ang dapat isangkot sa scam matapos magkaroon ng pagkakaiba sa listahang ibinigay ni De Lima sa Senado at sa listahan ng whistle blower na si Benhur Luy.

Ipinagtataka rin ni Escudero  kung bakit sa gitna ng paglutang ng sinasabing listahan na sangkot sa pork barrel scam ay mistulang si De Lima ang nagsisilbing spokesperson ni Napoles

Naniniwala si Escudero na “napasakay” ni Napoles si De Lima at maging ang iba pang indibiduwal at halos nagkakagulo ang lahat dahil lamang sa salita ni Napoles.

Si Escudero ay kasama sa  listahan ng mga senador na nakinabang sa pork barrel fund scam na ibinigay ni De Lima, subalit hindi umano kasama ang pangalan nito sa listahan ni Benhur Luy.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

BENHUR LUY

CHIZ

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRINGO HONASAN

LIMA

NAPOLES

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with