^

Police Metro

Sarhento napisak ng 10-wheeler truck

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang isang sarhento ng Philippine Army matapos na mapisak ng 10-wheeler truck  na sumalpok sa kanyang motorsiklo kamakalawa sa kahabaan ng national highway ng Brgy Monte Alegre, Aurora, Zamboanga del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Staff Sgt. Sotero Pueblas Angcap Jr., 44-anyos, nakatalaga sa Signal Batallion ng 1st Infantry Division (ID) na nakabase sa Brgy. Pulacan, Labangan, Zam­boanga del Sur.

Batay sa ulat, dakong alas-3:50 ng madaling araw ay minamaneho ng biktima ang kaniyang kulay asul na Honda XRM 110 (JI 1302 ) nang mabangga ito ng kasalubong na 10 wheeler tanker truck  (YHC-459)  na minamaneho naman ni Freddie Sumagang, 43-anyos sa kahabaan ng nasabing highway.

Sa lakas nang pagka­kabangga ay pumailalim pa sa likod ng tanker ang nasabing sundalo na nakaladkad ng ilang metro na siya nitong dag­liang ikinamatay.

vuukle comment

BATAY

BRGY

BRGY MONTE ALEGRE

FREDDIE SUMAGANG

INFANTRY DIVISION

PHILIPPINE ARMY

SIGNAL BATALLION

SOTERO PUEBLAS ANGCAP JR.

STAFF SGT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with