^

Police Metro

Magsyota hinoldap sa gasolinahan ng ‘trio’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinoldap ng tatlong lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang isang magsyota habang nag­lalagay ng hangin sa kanilang motorsiklo sa ga­so­linahan kahapon ng madaling-araw sa Pan­dacan, Maynila.

Tinangay ng mga suspek ang mga wallet at bag na naglalaman ng pera at iba pang mahalagang kagamitan at identification cards, pati ang motorsiklo ng magnobyo na kinilalang sina Jonas Garchitorena, 21, call center agent, ng Jesus Ext., Pandacan, Maynila at Riccaeli Torres, 22, nurse ng Vina Village, Imus City, Cavite.

Sa salaysay ng magsyota, dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang nagpapahangin gulong ang mga biktima sa Shell Gasoline Station na matatagpuan sa Presidente Quirino, Pandacan nang lapitan ng tatlong lalaki na sakay ng isang motorsiklo at pawang  na­kahelmet.

Agad na tinutukan ng baril si Garchitorena at kinuha ang pitaka nito at sling bag ni Torres, bago sinakyan ng isa sa suspek ang motorsiklo at mabilis na tumakas.

Kabilang sa natangay sa magsyota ay 8,120.00 Euro at $50 USD at mga IDs, cellphone at iba’t ibang susi at Yamaha Mio na kulay asul.

vuukle comment

IMUS CITY

JESUS EXT

JONAS GARCHITORENA

MAYNILA

PANDACAN

PRESIDENTE QUIRINO

RICCAELI TORRES

SHELL GASOLINE STATION

VINA VILLAGE

YAMAHA MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with