^

Police Metro

Bata nalunod sa ilog

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalunod sa ilog ang isang 7-anyos na batang lalaki kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Rhian Carl Cana­lita, residente ng Libis St., Barangay Apolonio Samson, Balintawak.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon nang makitang palutang-lutang sa Dario River­ malapit sa Loraine St., Parkway Village, Barangay Apolonio Samson.

Matapos mabatid ng mga barangay public safety officers (BPSOs) ang naturang insidente, agad nilang pinuntahan ang lugar at iniahon ang biktima.

Itinakbo pa si Rhian sa Quezon City Ge­neral Hospital (QCGH) na  idineklarang patay ganap na alas-2:11 ng hapon.

Nabatid na ang biktima ay kasama ng kanyang 11-anyos na kapatid na si Emmanuel Gabriel sa naturang lugar.

Malaki ang hinala ng pulisya na iniwan sandali ang biktima ng kapatid at lumapit sa ilog at nalaglag at nalunod.

 

vuukle comment

BARANGAY APOLONIO SAMSON

DARIO RIVER

EMMANUEL GABRIEL

LIBIS ST.

LORAINE ST.

PARKWAY VILLAGE

QUEZON CITY

QUEZON CITY GE

RHIAN CARL CANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with