^

Police Metro

76-anyos lolo natupok sa sunog

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na nakalabas sa nasusunog niyang bahay ang isang 76-anyos na lolo matapos na  ma-trap habang nilalamon ng apoy  ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang nasawi ay kinilalan si Santiago Alupinto, 76, ng #1292 Barrio Visaya St., Barangay Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:55 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Crisanto Nespero na mabilis na kumalat sa 34 kabahayan kasama ang bahay ng nasawing si Alupinto.

Dahil sa katandaan ay hindi nakalabas ang biktima dahilan upang ma-trap ito hanggang sa matupok.

Malaki ang hinala ng mga otoridad na natumbang kandila ang pinagmulan ng sunog dahil sa matagal na umanong walang kuryente sa lugar.

Umabot  sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang under control dakong alas-9:43 ng gabi.

vuukle comment

ALUPINTO

BAHAY

BARANGAY GUADALUPE NUEVO

BARRIO VISAYA ST.

CRISANTO NESPERO

DAHIL

MAKATI CITY

MALAKI

SANTIAGO ALUPINTO

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with