^

Police Metro

Mag-ina inutas, ama sinunog ang sarili

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi kinaya ng isang mister ang pakikipagtalo sa kanyang misis na naging dahilan para patayin ang kanyang mag-ina at pagkatapos ay nagkulong at sinunog ang sarili naganap kahapon ng umaga sa Brgy. 33, Caridad, Cavite.

Ang mag-ina na kapwa hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ay nakilalang sina Thelma dela Cruz, 68 at anak nitong si Roselle, 28.

Halos hindi naman makilala ang suspek na si Jesus, 68, jobless, dahil sa pagkatusta ng buong katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa hindi pa malamang kadahilanan.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo ay napikon ang mister kung kaya’t pumunta ito sa kusina at kumuha ng patalim at pinagsasaksak ang misis.

Nang makita nito ang anak na nanonood sa kanyang ginawa ay nilapitan din ito at pinagsasaksak.

Matapos na mapatay ang mag-ina ay nagpunta ito sa ikalawang palapag ng bahay at sinunog ang sarili.

Mabilis namang nailabas ng mga residente ang mag-ina sa nasusunog nilang bahay at dinala sa pagamutan, subalit namatay din ang mga ito dahil sa dami ng tinamong mga saksak.

Hindi naman nailabas ang suspek dahil sa pag­laki ng apoy kung kaya’t natusta ito.Wala namang nadamay na ibang kabahayan sa lugar.

vuukle comment

BRGY

CARIDAD

CAVITE

CRUZ

MABILIS

MATAPOS

NANG

THELMA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with