^

Police Metro

Ulo ng 2 parak binaunan ng bala

Doris Franche-Borja, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang pulis ang pinagbabaril at napatay sa magkahiwalay na insi­dente sa Maynila at Malabon City kahapon ng umaga.

Sa Maynila, dead on the spot ang biktimang si SPO4 Antonio Castillo matapos na barilin sa ulo ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay nagsasagawa ng clearing operations ang biktima sa Ongpin St., Binondo, Maynila nang lapitan ng hindi pa kilalang suspek  na  bumaba sa motorsiklo at nilapitan ang biktima at binaril.

Hinala ng pulisya na posibleng niresbakan ang biktima ng grupo ng mga drug lord  na nahuli ng  tropa nito noong nakaraang  buwan.

Agad na nagpalabas ng P500,000  reward si Manila Mayor Joseph Estrada para sa ikadarakip ng suspek.

Ganito din ang nangyari kay PO1 Felicisimo De Guia Jr., 39, nakatalaga sa PCP 4 ng Malabon City Police  at residente ng #29-G, Gov. Pascual Avenue, Barangay Conception, Malabon City na binaril sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang bumibili ng kape kahapon ng alas-5:50 ng umaga sa kahabaan ng M.Naval St., ng lungsod.

Matapos ang pamama­ril ay mabilis na nagsitakas ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo.

vuukle comment

ANTONIO CASTILLO

BARANGAY CONCEPTION

FELICISIMO DE GUIA JR.

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

NAVAL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with