^

Police Metro

Shootout sa Pasig: 3 patay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlo ang nasawi, kabilang ang isang army reservist at dalawang rinding-in-tandem na suspek sa shootout na naganap sa Pasig City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Pasig City police chief,  Sr. Supt. Mario Rariza ang napatay na army reservist na si Ignacio Mejai, 45. Habang ang dalawang napatay na suspek ay sina Abdulkadir Dipatuan at Mohalidin Sli Ebrahim.

Nabatid na pinagbabaril ng dalawang napatay na suspek ang biktima sa Pinagbuhatan Pasig City, ganap na alas-9:40 ng umaga.

Agad naman naitawag sa himpilan ng pulisya ang ginawang pagbaril at pagpatay ng mga suspek sa biktima kaya mabilis nilang tinugis ang mga suspek hanggang sa abutan sa C-6 Road sa boundary ng Pasig at Taytay Rizal.

Tinangkang pasukuin ng mga humahabol na awtoridad ang dalawang suspek pero sa halip na sumuko ay nakipagbarilan ang mga ito.

Habang nagaganap ang running-gun battle ay nakahingi ng responde ang mga tauhan ng Pasig PNP sa mga tauhan ng pulis­ya sa Taytay Rizal kaya agad na nagsagawa ng road blockage hanggang sa makorner ang dalawang suspek at mapatay.

Nabawi mula sa dalawa ang dalawang kalibre 45 baril na kanilang ginamit sa pagpatay sa army reservist.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng  ginawang pagpatay ng dalawang suspek sa biktima.

 

vuukle comment

ABDULKADIR DIPATUAN

DALAWANG

HABANG

IGNACIO MEJAI

MARIO RARIZA

MOHALIDIN SLI EBRAHIM

PASIG CITY

SUSPEK

TAYTAY RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with