^

Police Metro

Waiter durog sa trak

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Durog ang katawan, labas ang bituka at lamang loob ng isang wai­ter makaraang kaladkarin ang halos 200 metro ng isang ten-wheeler truck sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Christian Belmin, 20, binata,  wai­ter ng Haydie’s Videoke Bar at residente ng San Pedro St., Ibayo Tipas, Taguig City.

Arestado naman at nakakulong na ngayon  sa Pasig City Detention Cell ang suspek na nagtangka pang tumakas ay nakilalang si Roger Colarina, 27, driver ng ten wheeler Isuzu Truck (UIM-457) na may markang Golden Dice Marketing at  nakatira sa No.56 F. Villa Juanita, M.L.Quezon, Taguig City.

Nabatid mula kay P/Insp. Ernesto Mones, hepe ng Traffic Enforcement Unit ng Pasig City Police, na ang insidente ay naganap  dakong alas-3:30 ng madaling araw sa M. Concepcion St., Barangay San Joaquin, Pasig City.

Ayon sa report, bigla na lang umanong sumulpot sa lugar ang truck at binangga ang nakahintong kulay puting Toyota Corolla taxi na may plakang UVT-901 na minamaneho ni Carmelino Segovia, 53, ng Barangay San Joaquin, Pasig City.

Sa halip naman  huminto ang driver ng truck ay nagtuluy-tuloy ito hanggang sa mahagip nito si Belmin na noon ay patawid sa nasabingkalsada.

Sa kabila nang pagkabangga kay Belmin ay hindi pa rin huminto ang suspek at nagtuluy-tuloy sa pagmamaneho kaya’t nakaladkad ang biktima, na sumabit ang katawan sa bumper at unahang gulong nito.

Huminto lang ang suspek nang maabutan ng red light sa M.Concepcion St., Barangay San Joaquin at saka pa lamang nalaglag ang bangkay ng biktima.

Ang suspek ay nahaharap na sa kasong paglabag sa reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

 

vuukle comment

BARANGAY SAN JOAQUIN

BELMIN

CARMELINO SEGOVIA

CHRISTIAN BELMIN

CITY

CONCEPCION ST.

ERNESTO MONES

PASIG CITY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with