^

Police Metro

Vendor pisak sa trak

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pisak ang isang vendor makaraang mahagip ng isang rumaragasang trailer truck sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay naki­lalang si Edwin Fuentes, 29, cigarette vendor, nakatira sa Barangay NBBS sa lungsod.

Ang driver ng truck na kinilalang si Junnie Labrador, 21,  residente ng  #310 Camalig, Maycauayan, Bu­lacan ay agad naman nadakip ng mga awtoridad na ngayon ay nakakulong na sa Navotas police at inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Base sa pagsisiyasat ng Navotas City Traffic Bu­reau, nabatid na ang in­sidente ay naganap dakong ala-1:30 ng hapon sa kahabaan ng C-3 Road, Barangay  North Bay Boulevard South ng naturang lungsod.

Ayon sa report, minamaneho ng suspek ang isang trailer truck na may plaka TXP-810 at habang binabagtas nito ang C-3 Road ay hindi nito namalayan na tumatawid ang biktima kaya ito nasapol ng gulong na nagresulta ng agarang kamatayan ng biktima.

 

vuukle comment

AYON

EDWIN FUENTES

JUNNIE LABRADOR

MAYCAUAYAN

NAVOTAS

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY TRAFFIC BU

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

PISAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with